Friday, May 30, 2008

Muling Silipin ang ating pagiging PILIPINO.

Oo. Pilipino ako, Pinoy ako! Nakalagay sa Birth Certificate ko, certified Filipino Citizen ako. Oo nga no? Pinoy nga ako.

Unang lenggwaheng natutunan ko, Tagalog.
Nalaman kong Hunyo 12 lumaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Kastila (Malaking JOKE).
Asul,pula at puti ang kulay ng Bandilang Pilipino.
Si Jose Rizal ang Pambansang Bayani.
Mangga ang Pambansang prutas.
Kayumanggi ang kulay ko.
Nakilala ko ang mga TRAPO.
Natutunan ko ang sistema ng Jueteng.
Natutunan kong may salitang 'Kotong'
Uso rin pala ang 'Suhol'
Talamak ang RED TAPE.
Mataas ang presyo ng mga bilihin!
Taun-taong nagmamahal ang pamasahe sa pampublikong sasakyan.
Maraming taong grasa.
Maraming iskwater.
Maraming pulubi.
Marumi pala ang kulay itim na tubig ng Manila Bay at Ilog Pasig.
Maitim ang hangin.
Maalikabok sumakay sa hindi aircon na bus.
Maraming snatcher.
May mga illegal recruiter din.
May RICE CRISIS.
Nalaman kong maaari ka palang mangako pero hindi mo rin tutuparin (Mga TRAPO!).
Maraming mukha ng mga Pulitiko sa daan at kalsada, suot ang mga pekeng ngiti.
Pataas nang pataas ang bilang ng Populasyon.

...blah..blah..

Nagising ako! Akala ko panaginip, totoo pala. Pinoy nga ako, at nasa Pilipinas ako.
Ito pala ang pagiging Pilipino ko. Akala ko masaya. Dahil sa likod ng mga ngiting nagsasabing 'may pag-asa pa tayong umunlad' ay mga luhang patuloy na dumadaloy, nagsasabing, 'kelan pa? kelan?' Naisip ko tuloy, bakit ako naging Pilipino? Bakit di na lang ako pinanganak na Amerikano para amoy isteysayd! o kaya Hapon para hi-tech! o pwede ring Ingles para blue eyes! Pero Pinoy ako e, kaya ako naging Pinoy e para sa bansang Pilipinas. Kahit na ganito ang bansang ito, puno ng balakyot at maruruming mithiin, nagsusumigaw pa rin ang tinig ng kauhawan sa kaunlaran. Pinoy tayo kasi Pilipino tayo, dito tayo pinanganak, dito tayo lumaki, dito tayo magdadala ng pagbabago, dito tayo magsisilbi at hindi sa ibang bansa. Magsimula ka na maging PILIPINO.

Monday, May 26, 2008

Nagiisip pa ako ng Magandang Titulo.

Nagsimula ang kwentong ito kanina, nung magulong magulo ang buhok ko dahil sa malakas na ihip ng hangin habang nasa bus.

Mainit, masikip, maraming tao. Yan ang tumambad sakin sa istasyon ng MRT kanina. Nainis ako syempre, di naman ako nagmamadali o kung ano pa man. Simple lang. Nakakainis lang talaga ang mga ganitong scenario. May mabaho, may mabango rin naman. Iba-iba ang aking nakakasalamuha sa daan at sa bus at sa tren at sa jeep o kung saan man ako pumunta. Nakakapagod. Oh Pilipinas.

(blah..blah..*insert what happened next here*)

Pauwi na ko. Nasa bus na ko at talagang nakakapagod ang naging lakad ko. Sumabay pa ang malakas na hangin na nagpapagulo ng buhok ko sa may bintana ng bus. Pati sikat ng araw nananadya atang sa akin tumapat. Malakas talaga ang hangin, nakaka-relax sana pero napasobra ata sa lakas.

Sa bintana. Dagat. Marumi, mabaho, maitim. Yan ang tabing dagat ng Pilipinas. Batang walang salawal, tatay na naglalako ng kung anu-ano, inang naghahanap ng makakakain ng kanyang anak, anak na natutulog sa kalsada. Pamilyang Pilipino.

Kalsada. Marumi, trapik, masikip? Tapos wala na kong maalala.

Bandila. Dumarami nanaman siya ngayon, sa tabi-tabi. Asul, pula, dilaw, puti - bandila ng Pilipinas. Ika-12 ng Hunyo, ika-9 na ng Hunyo? Mag-isip ka kababayan. Nasaan ang diwa? Tapos wala na ulit ako maalala.

(blah..blah..*insert ending here*)

Pare-pareho lang ang ending, ang katapusan. Paikot-ikot, paulit-ulit lang ang bulok na sistema. Sumagot ka ng OO kung napapansin mo rin. Ito tayo. Ito ang bayang kinalakhan. Magbago sana. Magbago.

Wednesday, May 14, 2008

Cheverloo lang.

Oo. Wala lang. Wag ka na magtanong bakit may 'Cheverloo' sa title nito (trip ko lang). Ang saya ng 'Cheverloo' no? Haha. Di ka maka-relate? O sige. Eto ipapaliwanag ko.

College. Ay hindi, High School pala. Oo, noong high school. Natutunan kong gamitin ang salitang 'Chorva,' Ano nga ba ang 'Chorva'? Ang natatandaan ko, ginagamit ko ito pag wala akong masabi. Wala akong maisip na term. Wala akong bokabularyo!

*Chorva* *Chorva* *Chorva*

Bading? Salitang bakla ba ito? Pero ang sarap sabihin no? Iyong tipong ekspresyon na lamang siya ngayon.

dot..dot..blah..blah..

College. Ayan na nag-evolve na ang 'Chorva,' 'Chever' na siya ngayon. Ewan ko ba, natutunan ko na lamang syang gamitin dahil sa mga prendship ko sa Unibersidad.

Prend: Ang CHEVER ng prof natin today!
Ako: Oo nga e.
Prend: Pati exam next week super CHEVER!
Ako: Oo, peste.
Prend: May special project pa ang CHEVER! Assignment. Additional exercises. Research paper. Quiz. Recitation. Ang CHEVER talaga ng life!
Ako: OO! HARDCORE! (CHEVER)

<< REWIND

Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng salita o ng mga salitang 'Chorva' at 'Chever'? Eto ang listahan ko ng mga kahulugan:
1. Wala lang
2. Oo
3. Hindi
4. Ewan ko sayo
5. 'yung ano!
6. Oo yun
7. something
8. someone
9. 'it'
10. the one
11. the thing
12. (Wala na. Chever na lang ang meron sa numerong ito.)

Oo. Yun nga! VAGUE ang 'Chorva' at 'Chever' pero patuloy pa rin syang ginagamit. Bakit? Ito ay sa kadahilanang, lahat ng tao, mayaman man o mahirap ay VAGUE. Malabo, malabo ang ibig sabihin. May mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng ating bokabularyo. Hindi masabi. Kaya tayo mismo ang nagawa ng bagong salitang pang-uniberso para punan ang ating kalabuan sa mga bagay-bagay.

..blah..blah..

Kaya mula sa testimonyang ito, naging paborito ko ang salitang 'Cheverloo'

Prend: Ang CHEVERLOO nito!
Ako: Oo prend! CHEVERLOO ever! XD

Monday, May 5, 2008

Muni-muni.

Oo, 'Muni-muni' nga ang pamagat. Pagninilay-nilay. Pag-iisip.

Madalas akong magmuni-muni. Tuwing gabi bago matulog. Isipin ang mga bagay-bagay. Balikan ang mga nangyari sa buong araw. Pero madalas rin, nag-iisip ako ng wala. Oo, tama, WALA. Masarap mag-isip ng wala, bukod sa walang effort, relax pa ang isipan mo. Sa totoo lang, paraan ko to para madaling makatulog pero kadalasan nagiging paraan na rin para ma-realize ano nga ba ang WALA.

Nagsisimula ang lahat sa WALA. Titingin ako sa kisame, magninilay-nilay pagkatapos di ko na namalayang wala na pala akong iniisip. Hindi ito kabaliwan, natutuwa nga ko sa kinakalabasan dahil ang WALA e nakakapagbigay pala ng 'peace of mind.'

Naisip ko tuloy, pano pag puro wala na lang ang iniisip ng mga tao? Eh di 'peaceful' na ang mundo? O kaya wala na ring 'corruption' o ano pa mang krimen? Kung ganoon nga, sana puro wala na lang naiisip ng mga tao.

Pero ang wala, napasok lang sa isipan natin kapag wala tayong maisip o kaya e wala tayong magawa. Parang tunganga, aminin mo masarap tumunganga, bukod sa nakatingin ka sa kawalan, relax pa ang isipan at mga mata mo. Naisip ko tuloy, e di iwas din sa radiation, imbes kasi na tumingin sa screen ng computer e mas mabuti pang tumingin na lang sa kawalan, sa hangin, oh RELAXING!

Sana lagi na lang gabi, para nagmumuni-muni na lang ako. Muni-muni. Umiisip ng WALA. Ang saya. Walang problema, walang WORRIES (parang commercial lang sa TV), walang sakit sa ulo. Ang mag-isip ng wala. Naitanong ko rin, nakakapagod kaya mag-isip ng wala? Ang sagot ko, susubukan ko isang gabi, puro WALA ang iisipin ko. Mapagod kaya ako?

Sa ngayon tatapusin ko na ang testimonyang ito. Napapagod na ko sa puro wala ang isinusulat e. Pero sana kahit tungkol sa WALA ang testimonyang ito e makakuha ka na aking mambabasa ng MERON. Mapagtanto mo sana.