Oo. Pilipino ako, Pinoy ako! Nakalagay sa Birth Certificate ko, certified Filipino Citizen ako. Oo nga no? Pinoy nga ako.
Unang lenggwaheng natutunan ko, Tagalog.
Nalaman kong Hunyo 12 lumaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Kastila (Malaking JOKE).
Asul,pula at puti ang kulay ng Bandilang Pilipino.
Si Jose Rizal ang Pambansang Bayani.
Mangga ang Pambansang prutas.
Kayumanggi ang kulay ko.
Nakilala ko ang mga TRAPO.
Natutunan ko ang sistema ng Jueteng.
Natutunan kong may salitang 'Kotong'
Uso rin pala ang 'Suhol'
Talamak ang RED TAPE.
Mataas ang presyo ng mga bilihin!
Taun-taong nagmamahal ang pamasahe sa pampublikong sasakyan.
Maraming taong grasa.
Maraming iskwater.
Maraming pulubi.
Marumi pala ang kulay itim na tubig ng Manila Bay at Ilog Pasig.
Maitim ang hangin.
Maalikabok sumakay sa hindi aircon na bus.
Maraming snatcher.
May mga illegal recruiter din.
May RICE CRISIS.
Nalaman kong maaari ka palang mangako pero hindi mo rin tutuparin (Mga TRAPO!).
Maraming mukha ng mga Pulitiko sa daan at kalsada, suot ang mga pekeng ngiti.
Pataas nang pataas ang bilang ng Populasyon.
...blah..blah..
Nagising ako! Akala ko panaginip, totoo pala. Pinoy nga ako, at nasa Pilipinas ako.
Ito pala ang pagiging Pilipino ko. Akala ko masaya. Dahil sa likod ng mga ngiting nagsasabing 'may pag-asa pa tayong umunlad' ay mga luhang patuloy na dumadaloy, nagsasabing, 'kelan pa? kelan?' Naisip ko tuloy, bakit ako naging Pilipino? Bakit di na lang ako pinanganak na Amerikano para amoy isteysayd! o kaya Hapon para hi-tech! o pwede ring Ingles para blue eyes! Pero Pinoy ako e, kaya ako naging Pinoy e para sa bansang Pilipinas. Kahit na ganito ang bansang ito, puno ng balakyot at maruruming mithiin, nagsusumigaw pa rin ang tinig ng kauhawan sa kaunlaran. Pinoy tayo kasi Pilipino tayo, dito tayo pinanganak, dito tayo lumaki, dito tayo magdadala ng pagbabago, dito tayo magsisilbi at hindi sa ibang bansa. Magsimula ka na maging PILIPINO.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
At ang mga bagay na 'yan ay idinudulot ng bulok na pandaigdigang sistema. Haha. Anyway, ayoko magpaka-hardcore muna. Basta, naniniwala akong kailangan na natin ng long-term social change. Gusto ko pang mag-explain kaso biglang nasira 'yung mood ko, e.
tama ka! PINOY nga tayo. dito tayo ipinanganak, dito tayo lumaki, kaya dapat ito rin ang pagsilbihan natin.
basta naniniwala ako PAGBABAGO talaga eh.
haha. ang galing.
Post a Comment