Wednesday, May 14, 2008

Cheverloo lang.

Oo. Wala lang. Wag ka na magtanong bakit may 'Cheverloo' sa title nito (trip ko lang). Ang saya ng 'Cheverloo' no? Haha. Di ka maka-relate? O sige. Eto ipapaliwanag ko.

College. Ay hindi, High School pala. Oo, noong high school. Natutunan kong gamitin ang salitang 'Chorva,' Ano nga ba ang 'Chorva'? Ang natatandaan ko, ginagamit ko ito pag wala akong masabi. Wala akong maisip na term. Wala akong bokabularyo!

*Chorva* *Chorva* *Chorva*

Bading? Salitang bakla ba ito? Pero ang sarap sabihin no? Iyong tipong ekspresyon na lamang siya ngayon.

dot..dot..blah..blah..

College. Ayan na nag-evolve na ang 'Chorva,' 'Chever' na siya ngayon. Ewan ko ba, natutunan ko na lamang syang gamitin dahil sa mga prendship ko sa Unibersidad.

Prend: Ang CHEVER ng prof natin today!
Ako: Oo nga e.
Prend: Pati exam next week super CHEVER!
Ako: Oo, peste.
Prend: May special project pa ang CHEVER! Assignment. Additional exercises. Research paper. Quiz. Recitation. Ang CHEVER talaga ng life!
Ako: OO! HARDCORE! (CHEVER)

<< REWIND

Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng salita o ng mga salitang 'Chorva' at 'Chever'? Eto ang listahan ko ng mga kahulugan:
1. Wala lang
2. Oo
3. Hindi
4. Ewan ko sayo
5. 'yung ano!
6. Oo yun
7. something
8. someone
9. 'it'
10. the one
11. the thing
12. (Wala na. Chever na lang ang meron sa numerong ito.)

Oo. Yun nga! VAGUE ang 'Chorva' at 'Chever' pero patuloy pa rin syang ginagamit. Bakit? Ito ay sa kadahilanang, lahat ng tao, mayaman man o mahirap ay VAGUE. Malabo, malabo ang ibig sabihin. May mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng ating bokabularyo. Hindi masabi. Kaya tayo mismo ang nagawa ng bagong salitang pang-uniberso para punan ang ating kalabuan sa mga bagay-bagay.

..blah..blah..

Kaya mula sa testimonyang ito, naging paborito ko ang salitang 'Cheverloo'

Prend: Ang CHEVERLOO nito!
Ako: Oo prend! CHEVERLOO ever! XD

3 comments:

Anonymous said...

Haay. Bakit kaya masyadong laganap 'yang mga ganyan? Hehe. Amp. Nahahawa ako doon sa sis ko. Lagi kasing nagsasabi ng 'etchos' kaya pati ako ganoon din. :| Waah.

rsdkopeecag said...

Hey. Haha. Epidemya na yan. Haha. Whatever man ang meaning nila. Nakakatuwa silang pakinggan at sinesave nila tayo sa humiliation kapag minsan. HAHA. :D

rsdkopeecag said...

Links ex nga paLa? :D