Nagsimula ang kwentong ito kanina, nung magulong magulo ang buhok ko dahil sa malakas na ihip ng hangin habang nasa bus.
Mainit, masikip, maraming tao. Yan ang tumambad sakin sa istasyon ng MRT kanina. Nainis ako syempre, di naman ako nagmamadali o kung ano pa man. Simple lang. Nakakainis lang talaga ang mga ganitong scenario. May mabaho, may mabango rin naman. Iba-iba ang aking nakakasalamuha sa daan at sa bus at sa tren at sa jeep o kung saan man ako pumunta. Nakakapagod. Oh Pilipinas.
(blah..blah..*insert what happened next here*)
Pauwi na ko. Nasa bus na ko at talagang nakakapagod ang naging lakad ko. Sumabay pa ang malakas na hangin na nagpapagulo ng buhok ko sa may bintana ng bus. Pati sikat ng araw nananadya atang sa akin tumapat. Malakas talaga ang hangin, nakaka-relax sana pero napasobra ata sa lakas.
Sa bintana. Dagat. Marumi, mabaho, maitim. Yan ang tabing dagat ng Pilipinas. Batang walang salawal, tatay na naglalako ng kung anu-ano, inang naghahanap ng makakakain ng kanyang anak, anak na natutulog sa kalsada. Pamilyang Pilipino.
Kalsada. Marumi, trapik, masikip? Tapos wala na kong maalala.
Bandila. Dumarami nanaman siya ngayon, sa tabi-tabi. Asul, pula, dilaw, puti - bandila ng Pilipinas. Ika-12 ng Hunyo, ika-9 na ng Hunyo? Mag-isip ka kababayan. Nasaan ang diwa? Tapos wala na ulit ako maalala.
(blah..blah..*insert ending here*)
Pare-pareho lang ang ending, ang katapusan. Paikot-ikot, paulit-ulit lang ang bulok na sistema. Sumagot ka ng OO kung napapansin mo rin. Ito tayo. Ito ang bayang kinalakhan. Magbago sana. Magbago.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
kailangan ng pagbabago (commercial ek ek)
yun nga eh. paulit ulit. pero wag pa rin tayo mawalan ng pag-asa.
(ito na siguro epekto ng his2 ko! amf!)
isang malaking OO
aba aba
kumilos na ang dapat kumilos
daan ka sa blog ko kaibigan
mabuhay ka! ^^,
geh exlink!
Post a Comment