Ako ay kasalukuyang nasa silid-aklatan ng unibersidad.
Naisip ko napakahalaga ng oras. Oras na sinasayang, oras na binibilang, oras na iniintay... Uupo ako sa silid-aklatan ngayon, sa tabi ng electric fan pagkatapos, isusulat ko ito.
Babalikan ko ang nakaraan, noong nagsimula ang pagbibilang ko ng oras. TikTak..TikTak.. isa, dalawa, tatlo, sabi ko takbo! Unahan mo at wag kang magpapatalo. TikTak..TikTak..
Oras raw ang gamot sa lahat ng karamdaman, pero paano kapag nasayang ang oras mo? Paano kapag naubusan ka ng oras? Paano? Paano na? Ang narinig ko, oras pa rin daw ang sagot.
Hindi ko alam kung maniniwala ako. Nakaranas na ko magsayang ng oras, maubusan ng oras pero hindi ko pinapansin kung nasosolusyunan ba ang mga problema ko. Time Heals?? 'eww!' sabi ko.
Ang dami kong kaibigan, nasubukan na rin nilang magsayang at maubusan ng oras. Tinanong ko sila, OO daw. Hindi ko maintindihan para saan ang 'OO' nila. Ang labo kasi, siguro hindi ko pa lang maintindihan.
Namroblema ako sa oras, sobra na kasi at nasasayang na. Sabi ng mga kaibigan ko, 'oo' daw. Ayun nanaman ang 'OO' nila. Time is Gold?? Ano daw? Ano ito elementary slum book? Pero 'oo' daw. Kaya umu-oo na lang din ako.
Wala na ba akong oras? Dapat bang humabol? Magpa-late? Gusto ko ng malaman ang gagawin ko. Pero sabi nila, huwag akong magmadali. Maglalakad lang ako at hahayaan ang panahon. Hindi ako tatakbo dahil mapapagod lang ako. Kung may nasayang man akong oras, hindi ako nagsisisi. Ang bawat minuto ko, sinigurado kong naging masaya ako. Tatapusin ko ang Timer, pero hindi ang stop watch. Matatapos ito pero hindi magwawakas.
The End.
Friday, October 3, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment