Saturday, October 4, 2008

Sinderela.

Sa dinami-dami ng mga iniisip ko, sa dinami-dami ng nararamdaman ko, ewan ko ba at naisip ko ang titulong 'Sinderela'

Hindi ako panatiko ng fairy tales, kahit nung bata ako hindi ako nahilig dyan. Pero hinahangaan ko sila sa makukulay nilang istorya. Laging may bidang babae, may tagapagligtas na prinsipe at kaaway na wicked witch. Nakakatuwa sila. Paulit-ulit lang kasi ang takbo ng kwento. Maliligtas ang prinsesa mula sa witch at magpapakasal sila ng prinsipe pagkatapos. Happy ending lagi.

Minsan naisip ko, sana fairy tale na lang ang kwento ng Pilipinas. Yung tipong happy ending lahat. Lahat masaya. Lahat kuntento sa bawat wakas nila. Pero hindi, ang dami kasing wicked witch sa paligid. Sana lang, sana lang.

Napag-uusapan rin naman natin ang mga 'endings', e sasabihin ko na.
Matagal na kasi akong nagtataka sa mga posibleng 'endings' ng lahat ng bagay. Kung masaya ba o malungkot. Hindi rin ako naniniwala na kapag sinabing 'ending' ay katapusan na. Believer pa rin ako ng "Endings are just beginnings" -- Ang cute isipin no?

Sana nga may happy ending bawat kwento, bawat istorya, at may masayang sagot sa bawat tanong. Pero hindi fairy tale ang buhay na dapat umasa na lang sa prince charming, kalye ito na dapat daanan, gaano man kahaba o kalayo ang goal mo dapat magpatuloy ka kahit ano man ang makasalubong mo sa daan, wicked witch man yun o malaking ipo-ipo.

Sa lipunan ng Pilipinas, sa buhay ng tao, lahat ito magkakaugnay. Isipin mo, pareho nating hangad ito.

No comments: