Walang kaugnayan ang bawat salita sa titulo ng akdang ito. Sila ang mga salitang naisip ko lang, yung tipong mga unang salitang pumasok sa isip mo habang nagiisip ka naman ng magandang titulo.
Tungkol nga ba saan ang akdang ito?
Tapos na ang unang bahagi ng paglipat ko ng lugar. Naging masaya, oo. Naging malungkot, sobra. Ayoko ipaliwanag kung bakit malungkot.. *insert words here*
May mga bagay na labis mong hinahangad. *Sana.. sana..* Ang mga 'sana' mo, at dahil sa mabait ang panahon ay natutupad. Nakakamit mo ang mga bagay na iyong hinahangad. Mga bagay na akala mo magiging masaya ka.. *insert words here*
Tumatawa ako, ngumingiti, ngunit hindi ko alam para saan. Ayoko umasa, ayoko isipin, pilit kong iniwasang paniwalain ang sarili ko na totoo dahil alam kong hindi. Ngunit tao lang ako, hinihila rin ako ng gravity, kaya sana matagal na kong hindi tumawa at humalakhak.
Nalayo ako sa mga kaibigan ko, may mga nagtampo, may mga nasaktan, akala ko kasi matatagpuan ko ang kaligayahan at 'the best' na sinasabi ng karamihan, nagpadala ako sa 'pop culture', nagpadala ako.. *insert words here*
Alam kong ang tao, sa bawat pagkakamali niya ay natututo. Learn from your mistakes. Oo, alam ko yun. Tao lang naman ako, kaya nakakagawa ng kamalian, pero alam ko namang sa bawat mali, sa bawat sugat, kaya kong magbago. Nasaktan ka sa pagkadapa mo, sa pagkahulog mo, at para patunayan at wag na lalo pang madapa, bumangon ka agad. Oo, mahuhulog ka minsan, bahagi iyon ng pagiging tao mo pero dapat bilang tao, matuto rin tayong bumangon at magpatuloy sa paglalakad.. [malalim? *insert words here*]
Takot ako, pero hindi ko inisip na takot ako. Ito kasi ang mundo e, bahagi talaga ito ng kamunduhan ng tao. Minsan, pinili mong maging masaya pero hindi lahat ng pinipili mo happy ending. Huwag kang mag-aakala, huwag kang magpapadala, huwag kang magpadalus-dalos. Iyan ang natutunan ko.
Ngayon, alam kong mahirap pero kailangan at ito lamang ang pinakamadaling paraan. Oo, makasarili pero minsan kailangan mong isipin muna ang sarili bago ang iba. Matuto ka, ito ang mundo, at sa pag-ikot ng mundo ay magpapatuloy ito kaya masanay ka na at matuto sa mga naunang kamalian. Pero huwag titigil, dahil ang pag-ikot ng mundo ay kasabay rin ng pag-ikot ng paghahanap mo ng tunay na kaligayahan, tunay.
*insert words here*
Friday, October 17, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment