Dahil naiinis ako sa blog page ko, dahil sa di ko maayos na setting nito, ito ang isang entry na nabuo sa utak ko.
Ewan. Malabo. Nakakainis. Minsan blanko. Naisip mo? Ako, OO.
Bakit kasi walang kwenta ang mundong ito? Bakit malabo ang kalangitan dulot ng polusyon? Bakit may global warming? EWAN. Naisip ko, OO nga.
Bakit kasi nauso pa ito, bakit kasi kailangan nito, bakit kasi meron pa nito, bakit nararamdaman pa ito. EWAN. Naisip ko, OO nga.
Kung pwede lang iwasan, kung pwede lang pigilan, kung pwede lang ikutin o baliktarin, kung pwede lang lagyan ng malaking STOP. EWAN. Naisip ko, hindi.
Minsan kailangan ng tao ng pagbabago. Hindi siya maaaring manatili sa parehong lugar. Kailangan niyang gumalaw, sundan ang bakas ng kahapon patungo sa hinaharap, patungo sa kung saan man siya magbabago. Ganoon ang mundo, malupit sa sino mang hindi marunong kumilos. Kung may super powers lang ang tao para harapin ang mga pagsubok na ito, baka matagal na tayong lumigaya. Ngunit hindi, tao lang tayo, hindi natin kayang harapin lahat. Kaya nating bigyan ng solusyon pero hindi panghabang-buhay. Masakit isiping bigo tayo.
Naisip ko, nakaka-ewan ang ganitong pakiramdam. EWAN. Naisip ko, OO nga at pagkatapos, wala na akong maalala.
Wala na akong maalala. Wala na akong maramdaman, ay mali may nararamdaman ako ngunit manhid ako. Malabo e, iyong bintana dahil sa hamog. Unti-unting tinatakpan ang tanawin sa labas. EWAN. Naisip ko, OO nga at hindi ko na ulit maalala.
Lipad, lumilipad ako. EWAN. Malayo na narating ko, mataas. Pagkatapos, wala na ulit akong maalala.
-isang malabong 'entry' dahil sa malabo kong pag-iisip tonight-
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Aww. Parang ma-emo 'to. Hahaha.
hey april! hehe si jose toh.. :p
Post a Comment