Oo, malabo to. At titiyakin kong kasing labo to ng hamog sa umaga, umuusok na kaldero, hangin ng velcher at ash fall ng Mt.Pinatubo.
Ilang panahon na rin ang lumipas, maikling maituturing, saglit..saglit..Ngunit doon nagbunga, doon naalala. Bakit? O bakit? Hindi ko alam ang sagot. Sinadya ba ng kapalaran? Sinadya ba ng tadhana? Ewan. Sinong nakakaalam? Marahil wala. Kahit ako hindi ko alam.
Parang bula, parang hangin, parang uhog na pilit mong sinisinghot. Ayaw tumigil. Gusto mong pigilan pero ayaw. Ayaw talaga. Droga? Hindi. Gamot? Hindi rin. Pagnanasa? Lalong hindi. Hindi ito bawal na gamot na pilit itinatago. Tawa, halakhak, ngiti. Ang saya. Parang nasa langit pero hindi ito katulad ng iba.
Tumalon ako sa kumunoy. Nilusong ko ang ilalim. Nakakita ako kahit malabo. Ang linaw ng liwanag. Natatanaw ko na. Inaabot ko. Muntik ko ng mahawakan ngunit may humaharang. Tila apoy. Napaso ako. Akala ko..akala ko..tapos wala na akong maalala.
Tinutunaw ng bagay na to ang kamalayan ko. Unti-unti. Pilit kong pinipigilan. Ayaw talaga e. Ayaw. Naramdaman kong may tumulo sa kanan kong pisngi. Ano iyon? Ano ito? Bakit hindi ko makita? Luha? Hindi. Bakit ako luluha? Wala namang dahilan? Nilunok na ba ang buwaya ang kapangyarihan mong mag-isip? O hindi ko alam. Hindi ko masagot.
Naninikip ang aking dibdib. Hindi ko na maisip anong susunod na mangyayari. Ayoko na. Parang awa na ng Maykapal. Pigilan na ang buwaya. Kailangan ko pa bang lumusong sa dagat? Makita ang di karapat-dapat? Mas marami pang perlas ang hawakan? Hindi na kailangan pa. Kaya kung maaari, ngayon pa lang ay sagutin na ang mga katanungan. Marami pang oras, panahon, ngunit hindi nito pinapantay ang pagkakataon. Hindi balanse. Sana lang, o sana lang mabalanse.
Ngayon, nasa pagitan ako ng dalawang bundok. Ang isa, sobrang taas, abot langit. Ang isa pa, parang Chocolate hills lang sa laki. Nasa disyerto ako. Pero nagtanong pa rin ako, anong lugar ito? Naliligaw ata ako sa sarili kong panaginip. Dapat ako ang humawak ng manibela. Ayoko ng nanonood lamang at naghihintay ng masayang wakas. Telenobela. Ayoko.
Magtanong ka,malabo? Oo. Ang sagot ko, bahala ka ng magbigay ng kahulugan. Malabo sa paningin ng iba, maaaring sayo hindi. Kapalaran ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Salamin lang ang kailangan. Baka tumaas na grado ng mata mo kaya malabo. lol x]
Ports!
Hindi mo rin nabago ang layout ah! Tinamad? haha
Thanks sa pagli-link. Ili-link kita bukas. I'm kinda sleepy now. Ciao!
Post a Comment