Saturday, April 25, 2009

Worst feeling ever.

Yung ang bigat bigat ng dibdib mo, parang ang sakit sakit na. EMO? Oo, medyo. Yung ang tanging gusto mo lamang gawin ay umiyak, ilabas lahat.. lahat lahat.. Kasi alam mong pagkatapos bumuhos ng mga luha, babalik nanaman sa dati. Parang iniipon pagkatapos itatapon tapos babalik ulit lahat. Masakit, mahirap, pagod ka na kasi.

Friday, April 17, 2009

It's a 'so'

Kung mali ang pagiging mabuting kaibigan, kailan pa naging mali ang humindi?

Hindi ko alam anong mali sa ginagawa ko, hindi ko naman mapigilang maging hindi ganito.

"Isa o dalawa sa daan o milyong taong nakapaligid sayo ang sadyang tunay na kaibigan."

Siguro nga, hindi ko kayang i-please ang lahat, hindi ko naman sinabing kaya ko, ang akin lang ayoko ng may malungkot. Pero mukhang sa nangyayari, ako pa ang nalulungkot.

Testimonyal.

Saturday, April 11, 2009

Sky-ish Moment


It's how the earth meets the sky. ;)

Tuesday, April 7, 2009

Lutang, Sabaw, Bangag

Ayan, sabi sayo e. Kulit mo kasi! Ayan tuloy napala mo.

Tinitigan mo ito ng matagal, wala kang magawa. Um-OO ka nanaman sa kawalan. May kung ano yatang bumulag sayo. Tama ako di ba? Um-OO ka kasi ulit e. Kitang-kita ko, damang-dama ko, alam ko kasi. Di ba?

Nanaginip ka, nanaginip ka ulit, at ulit at di na natapos. Ano, tama ako di ba? Um-OO ka lang ng um-OO. Bakit kaya no?

'Malay ko', sagot mo nanaman. Ayan ka nanaman e, ang kulit kasi. Tatanungin mo pa ko kung ano dapat mong gawin e paulit-ulit ka lang. Ewan ko sayo, matanda ka na, alam mo na yan at alam mo dapat gawin.

'Paano?', tanong mo. Ayoko na sagutin yan, ayoko na sagutin lahat ng tanong mo kasi inuulit mo lang e. OO ka lang ng OO, alangan namang sabihin kong humindi ka e di mo rin ginagawa. Ano, tama ako di ba? OO ka rin at OO.

Kung ako lutang, sabaw at bangag, mas ikaw. Dapat alam mo yun.

Saturday, April 4, 2009

Today is a Pretty Day :)


April 05, 2009: Er. Another year older. ;))

Wednesday, April 1, 2009

How stupid..

Oo nga naman, maraming maaaring paniwalaan. May lihim, chismis, may mali. Wala ka ng ideya ng katotohanan, kung ano lamang ang nasa harap mo yun na lamang ang tinitignan mo. Hindi ka ba naniwala ng matagal ng panahon? Alam ko na, tanga ka lang siguro.

Ano nga ba ang katotohanan sa hindi?

'Di ko rin alam,' ang sagot mo.

Heto ang bato, malaking malaking bato, pwedeng pakisubo? o mas maganda pakipukpok sa ulo mo. Pwede kaya yun? Ang tanga mo kasi.

Sige, dahil tungkol ito sa katotohanan, ano nga ba sayo ang katotohanan?

'Di ko talaga alam,' sagot mo.

Ayan, tignan mo. Nagpapakatanga ka nanaman.

Alam ko, matagal mo ng alam ang katotohanan, pilit mo lang iniiwasan, pilit mo lamang tinatakbuhan, pinapalitan ng mga mukhang sa harap mo lamang nababasa at nakikita. Alam mo.. alam mo ang dapat gawin.. alam mo..