Oo nga naman, maraming maaaring paniwalaan. May lihim, chismis, may mali. Wala ka ng ideya ng katotohanan, kung ano lamang ang nasa harap mo yun na lamang ang tinitignan mo. Hindi ka ba naniwala ng matagal ng panahon? Alam ko na, tanga ka lang siguro.
Ano nga ba ang katotohanan sa hindi?
'Di ko rin alam,' ang sagot mo.
Heto ang bato, malaking malaking bato, pwedeng pakisubo? o mas maganda pakipukpok sa ulo mo. Pwede kaya yun? Ang tanga mo kasi.
Sige, dahil tungkol ito sa katotohanan, ano nga ba sayo ang katotohanan?
'Di ko talaga alam,' sagot mo.
Ayan, tignan mo. Nagpapakatanga ka nanaman.
Alam ko, matagal mo ng alam ang katotohanan, pilit mo lang iniiwasan, pilit mo lamang tinatakbuhan, pinapalitan ng mga mukhang sa harap mo lamang nababasa at nakikita. Alam mo.. alam mo ang dapat gawin.. alam mo..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment