Monday, April 14, 2008

Building.

'Building' - means a lot. yeah. I dunno. I just want to react on the word. Building can be everywhere. Building a house, Building faith, Building family, Building relationships, Building the nation. Building LIFE. (sounds pretty serious). But anyways let's just focus on the BUILDINGS, on the structures. City, Malls, Offices, Companies - Buildings. From the word 'Building' let us extract the word 'globalization' modernization'

<< rewind

Tae, mali ata yung sinulat ko sa itaas. Dito tayo magsimula.

[] play

Nagsimula to nung nagbakasyon ako siguro mga last week lang yun. Dun sa bundok este sa CAR o Cordillera Administrative Region in short sa bundok nga. One week trip sa Banaue, Sagada, Baguio at dumaan pa sa Pangasinan at Subic. Oo, masaya. Pero napansin ko ang daan, kasi naman hindi ako makatulog sa biyahe dahil sa pag-alog-alog ng sasakyan. Oo, yung daan. Pangit. Ito yung daan na papuntang Sagada sa Mt.Province. Gilid talaga ng bundok ang daanan, lubak-lubak, rough road. Napansin ko rin, putol-putol o hindi magkakadugtong yung mga daang sementado, in short kulang-kulang. Bakit? Pinapahirapan nito ang mga dumadaang sasakyan, Bakit di pa rin maayos? Sabi ko, next question please. (o sige mula sa building, kalsada na ang pag-usapan ngayon). Ayun, dun nga ko nag-isip. May gobyerno naman. Ang dami ko ngang nakikitang GMA Cares e pero dun yun nakalagay sa matataong lugar pero dun sa rough road na tinuturing na high way ng mga taga roon? WALA. Hanggang pangalan lang pala. Kulang naman sa semento at aspalto. Kulang. Di ba noh? (umOO ka na lang).

\\ pause
<< rewind (ulit)

'Nasaan ang pondo?' 'Itigil na ang pagkuha sa kaban ng bayan!' 'ERAP,Gloria Resign!' - ayan ang dami dami nyan. (sige magmula sa kalsada, mga rally naman). EDSA1, EDSAdos, EDSAtres? Lahat para sa pagpapatalsik ng pangulo. (wala bang rally para sa birthday ni Santa Claus?). Bakit ba hindi tayo makuntento sa isang pangulo? Niluklok natin tapos papatalsikin rin. Minsan naisip ko weird talaga nating mga Pinoy. Yun lang. (dahil wala na kong masabi).

[] play

Maraming Pilipinong naghihirap. Maraming walang tirahan. Maraming walang makain. Maraming..maraming.. (oo marami). Kelan ba tayo uunlad? Hanggang 'Developing' na lang ba ang title natin? Minsan nanaginip ako. Ayun.

>> forward

Oo, 'building' nga ang title nito. Hindi ka nagkakamali.

-END-

No comments: