Nadapa, nasugatan, umiyak
Hikbi ng isang batang nagalak,
Dumaloy ang katapusan,
Huminto ang galaw ng sanlibutan.
Tumalikod ang liwanag sa
silangan,
Binawi ng ulap ang ulan,
Umurong ang alon ng mga
karagatan,
Tumingala kang muli at pagmasdan.
Akala mo'y tapos na,
Pagod na, nagsusumamo pa,
Mali ang pinataw mong kahulugan,
Naubos na ang mga luha ng
kagalakan.
Minsan naisip mo nang mawala,
Maglahong parang bula,
Bumuka ang lupa't ika'y isama,
Ngunit tinawag ka ng iyong
kasaysayan.
Sumigla ang mga kagubatan,
Bumaha ng kaluwalhatian,
Ikaw ngayo'y hinihila ng mga ulap
sa kalangitan,
Ang saya, ang sarap na muling
ihinto ang paggalaw,
Kahit sandali...
-isang malayang tula-
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment