-mula sa iba't-ibang persperktibo-
Akala ko tama na yung ginawa ko,
Akala ko sapat nang talikuran at takasan ang mga problema,
Akala ko pwedeng ganito na lang palagi,
Akala ko lang pala.
Nahulog ako.
Oo, nagmahal ako. Sobra-sobra. Akala ko wala ng katapusan, wala ng hangganan. Noon, akala ko, ngayon eto ako. Nahulog ako sa bangin. Malalim, madilim, hindi ko na makita ang dulo. Patuloy akong nahuhulog, malamig ang hanging humahampas sa basa kong mga pisngi, nararamdaman kong wala akong huhulugan, walang babagsakan, patuloy, nagpapatuloy, walang katapusan. Akala ko sa nagmamahalan lang walang katapusan pati pala pag-iisa wala na ring katapusan.
Tanga.
Masilayan ka lang, ang mga ngiti mo, ang mga halakhak, lahat ligaya na para sa akin. Oo, tanga raw ako, torpe, walang kwenta. Hindi ko daw kayang sabihin sayo ang tunay kong nararamdaman. Marahil tanga nga ko, torpe at walang kwenta. Ang alam ko lang, masaya na ko sa ganito kaysa maramdamang wala talaga akong halaga.
Akala ko wala akong halaga...
Pramis.
Pramis, promise, pangako. Nangako ka. Umasa ako. Oo, alam kong mali, alam kong panaginip ko lang lahat to. Pero umasa pa rin ako. Sinabi mong ako, ako lang at wala ng iba.di ba? Sinabi mong sarado na ang puso mo, sarado na para sa iba. di ba? Nagkamali ba ko sa pag-intindi? Pero wala, wala pala akong dapat asahan. Oo, ako lang, ako lang ang kaya mong lokohin. Oo, sarado na ang puso mo, sarado na pala para sa akin. Walang dapat ipangako, walang dapat asahan. Akala ko ikaw na, akala ko totoo.
-hindi ito ka-emohan,pagsasalin lang ng samu't saring kwento mula sa tabi-tabi-
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment