Thursday, April 29, 2010

' ' Espasyo

Ngayong lang ulit ako susulat ng isang akda. Akdang inaalay ko sa mga alaalang kailanman hindi ko makakalimutan.

Alam kong matagal ang ginugol ko, matagal ang panahong inintay ko para lumaya. Sabihin na natin na dala ng kabataan ang lahat ng nangyari. Oo, ganito kakumplikado ang buhay relasyon ng mga tao. Masakit, masaya, malungkot, maligaya... Ngunit kung hindi talaga kayo, hindi talaga pwede kahit anong pilit mo pang pagbaligtad sa tadhana. Oo, nadala ka, natangay ka ng agos, ng hangin na hindi mo namalayan nung bigla kang binagsak sa isang lugar na hindi mo alam kung saan. Naligaw ka, wala kang makapitan kundi siya. Pero niligaw ka rin pala ng taong pinagkatiwalaan mo. Isa itong patunay na kahit sino, kahit anong sitwasyon, basta hindi tinadhana, at wala sa tamang pagkakataon ay wala talagang mangyayari. Mangyayari ang mangyayari.

Ngayon, ang espasyong iniwan ng pagkakataon ay ang parehong espasyong gagamitin mo para hanapin ang taong muling pupunan ito, ang tamang tao sa tamang pagkakataon. Ang totoo, may mga taong pipiliing manatili sa buhay mo, at mayroon din mga taong piniling umalis. Ang tanging magagawa mo, pahalagahan ang mga nanatili at ipagpatuloy ang paglakad sa daan ng mas marami pang espasyo na pupunan ng marami pang taong darating sa buhay mo.

No comments: