Ide-define ko ang salitang 'pagod', 'tired' sa ingles!
Ewan, nagsimula ang lahat sa isang ngiti, sa isang tawa, sa isang kurap ng mata.
"Tapos di mo na ulit maalala.."
Tumakbo ka, ang bilis hanggang sa marating mo ang kawalan. Madilim, nangangapa ka.. patuloy ka lang, ilang beses ka ng nadapa.. Go pa rin, ika nga nila.
Ay, nakalimutan kong ide-define ko pala ang salitang 'pagod'.
Heto ang listahan..
1. Pinagpapawisan ka na
2. Hinihingal ka
3. Nauuhaw ka na
4. Gusto mo ng umupo at magpahinga
5. Gusto mo ng sumuko
6. Masakit na
7. Sobra na, di mo na kaya
8. Umaapaw na ang sobrang likido sa iyong katawan
9. Tumutulo na ang luha, sa kanan o sa kaliwa
10. Ayaw mo na..
PERO, Kelan ka tumigil?
"Ewan ko"
Pagod ka na o gusto mo pa?
"Ewan ko"
Kung "ewan" lang ang isasagot mo, di mo malalaman kung pagod ka na nga ba o hindi pa o baka naman di mo lang maamin na pagod ka na? Dapat alam mo rin hanggang saan ang kaya mo, ang limitasyon mo. Kung pagod ka na, tumigil ka na.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment