Friday, March 13, 2009

Censored.

Totoo nga no. Kahit anong pilit mo minsan na umiwas, wala ka pa ring magawa. Kahit ilang beses ka nang pagsabihan, sige ka pa rin. Para kang tinali ng walang nagtali. Ginapos ng walang naggapos? Masyado yatang eksaherada. Pero sige, bakit paulit-ulit ka pa rin?

Kung tatanungin mo sila, paulit-ulit lang din ang mga sagot. Hindi pa ba sapat ang makita? Ang marinig? Ang maintindihan? o talaga nga bang naintindihan mo na? Saan ka ba talaga tutungo? o hindi mo rin alam? May patutunguhan ba yan? Hindi ba, wala naman? e bakit?

'Pagod na talaga akong masaktan', ika nga niya. E ikaw?

Kung baligtarin natin ang mundo at makakita ka ng tamang lugar, tutungo ka ba? Kung kayang burahin ang bawat detalye, buburahin mo ba? Kung kayang pabilisin ang oras, papayag ka ba?

'Oo, kailangan ko ng oras', sabi niya. Kailangan mo rin ba?

Hindi ka nauubusan ng pagkakataon. Ilang beses ka nang pinagsabihan, pinayuhan. Umuulit ka pa rin. Walang gamot sa tanga, kundi ang sarili.

'Susubukan ko', sabi niya. Subukan mo rin. Walang masama. Ang masama, ang patuloy na saktan ang sarili.

1 comment:

jesssssss said...

hmm. :(

add mo ko dito. idk how. haha

*hugs*