-Masarap balikan ang mga alaala ng nakaraan..-
(<< rewind)
Noong bata pa ko,nag-ambisyon akong maging doktor. Lahat kasi yata ng kalaro ko noon, gusto rin magdoktor. Nagpapabili pa ko ng mga laruang pang-gamot kunwari. Nilalaro ko pa mga dahon ng santan at gumamela namin sa garden. Kunwari din mga pasyente ko ang mga manika ko. Mga barbie sila,tingin ko noong bata ako mga sanggol sila. Mahilig din akong gumawa ng bahay-bahayan yari sa mga kumot namin. Tagpi-tagpi, naalala ko tuloy ang mga bahay sa gilid ng riles ng tren. Payabangan din noong mga bata pa, pagandahan ng laruan. Naalala ko noon gusting-gusto ko magkaron ng Winx yata yun, yung lumilipad na mga fairy. Di ko na rin maalala.
Mga tatlong taon pa ang lumipas, heto na ko. Grade one na! Masasabi kong matapang ako noong bata pa ko, di na ko hinahatid sa eskwelahan nun. Yun nga lang sa aking pagkakatanda muntik na kong ma-kidnap. Buti at tumanggi akong sumabay sa mag-asawang yun, ang ganda pa naman ng kotse nila. Naalala ko rin yung klasmeyt ko noong grade one, iyakin talaga. Ayaw humiwalay sa nanay nya, daig pa ang kinakatay sa baboy sa pag-iyak. Wala ring tatalo sa 'May I go out, teacher nun.' Kasi pagdating mo sa CR ng paaralan, kakalimutan mong nag-paalam ka sa teacher mo ng 'May I go out ma'am?' Daig pa yata ang payatas sa baho. Pero dahil 'call of nature' go pa rin kami ng mga klasmeyt ko. Meron din akong puppy love, pero di ko na maalala pangalan nya, pati ata muka di ko na rin maalala, nasaan na kaya sya? Sana ganoon pa rin itsura nya.
Grade six na ko, wow! di ata ako lumaki. Sa pila kung di ako sa pangalawa, pangatlo o pang-apat pag by height ang usapan. Dati rin excited ako laging mag-flag ceremony kasi katabi lang namin sa pila yung older puppy love ko, ayun natatandaan ko pa naman muka niya.
(>> fast forward)
High School life.
First year, mahiyain pa ang bawat isa. Mababait. Cool ka pag may kaibigan ka mula sa higher years. Bata pa ang itsura. Inosente. Yun ang freshmen. Green ang kulay. Ang pangit ng Cheerdance nung Intrams. Pero enjoy ang unang taon.
Second year. Medyo terror ang adviser. Nakakatakot ma-late sa klase. Ang bait pa rin. Natuto ng gumala. Ginagabi na sa pag-uwi. Blue ang kulay. Cool ang buhay.
Third year. Kabaligtaran. Super bait ng adviser. Natuto nang magka-lovelife. Gumagala na talaga. Ginagabi sa mga practices at project making. Unti-unting nadidiscover ang sarili. Red and kulay. Maganda na ang Cheerdance nung Intrams.
Fourth year. Heto ang pinaka sa lahat. Malapit na ang graduation. Sinusulit na ang huling taon. Malalaman mo na ang mga tunay na magkakaibigan. Maraming iyakan. Mga di malilimutang samahan. Masusubok talaga ang tibay ng inyong barkadahan.
(>> fast forward)
College. Cool. Culture-shock. Nice. Thrilling. Exciting. Tiring. ... (to be continue)
(// pause)
Ang ganda ng buhay. Ipagpatuloy ang mga bagay-bagay. Patuloy na makibaka. Patuloy na tuklasin ang hiwaga.
([] stop)
. . . . .
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment