Kung susumahin..
Isang daang taon ng pagkabilanggo.
Sampung taong hindi pag-ngiti.
Limang taong pag-iisip.
Isang taong niluha.
Isang '...' hindi sasapat sa ilang libong taong pagkatalo mo sa emosyon.
Dinaig mo pa ang 333 years na pagsakop ng Espanya sa Pilipinas..
o ang ilang taong world war..
Iiyak ka ngayon kasi nadama mo ang tusok ng ilang libong taong sinakop nito ang iyong pandamdam..
Ika nga ni Marx, "..however the point is to change it."
Thursday, July 23, 2009
Sunday, July 12, 2009
Friday, July 3, 2009
*...*
*beep* *beep* *beep*
Paulit-ulit ang busina ng taxi sa mga kotseng nasa unahan. Malakas ang patak ng ulan sa labas ng bintana. Nakadungaw ka. Nakadungaw, nag-iintay sa bawat minuto kung aandar na ba ang taxi. Hinahabol mo ang iyong relo, curfew mo na kasi sa dorm. Nagpipilit ang mga paa mo, ayaw mo kasi ng violation. Pero pilit mo pa ring pinapakalma ang iyong sarili. Ok lang, aabot ka.
*brroooom*
Kumaripas ng takbo ang taxi. Alam mong mahal ang babayaran mo, taxi kasi yun at hindi jeep. Ang 8php mo sanang pamasahe magiging 70php. Pero, ok lang. Basta maabutan mo ang curfew. Pumasok ang taxi sa entrance ng unibersidad, sumilip ka muli sa bintana. Tanaw mo ang malawak na field. Tanaw mo ang lahat sa campus. Tumingin ka sa tabi mo, tanaw mo rin ang layo.. ang layo.. ang layo layo talaga. Hindi mo naman matanaw. Ang labo. Ang labo pala ng kabilang bintana, puro hamog.
*para*
Tumigil ang taxi, bumaba ka. Binayaran mo ang 70php na bill kay manong. Sinarhan mo ang pinto, tumalikod at tumawid papunta sa kaliwang bahagi ng kalsada. Naglakad ka. Sinundan ang mga paang kanina pa nagyayayang umuwi. At nakarating ka rin sa wakas.
*blaaaagh*
Gumalabog ang pinto ng iyong kwarto. Nagmamadali ka dahil ihing-ihi ka na.
*swooosh*
Binuksan mo ang electric fan dahil nainitan ka bigla. Pumikit ka. Dumilim. At madilim, nakatulog ka na pala.
O_o

Subscribe to:
Posts (Atom)