Marahil, OO. Ewan. Kaya mo bang sagutin ang tanong ko? Siguro hindi rin.
Malalim, malalim, siguro..
Pero hindi ko mabatid.
Sinagot ako ng mga patagong tango,
at iyon ang kapalit ng panandalian mga ngiti.
OO, at walang OO.
Magulo? Hindi. Akala mo lang. Kasi hindi mo pa rin lubos maisip na patuloy ka lang sa pagsuong sa kumunoy.
Sumusuong ka nanaman sa kumunoy.
Friday, November 28, 2008
Sunday, November 23, 2008
tawa.
...
Tatawa ako, ngingiti ka.
Tatabihan kita, yayakapin mo ko.
Bubulungan mo ko, ngingiti ako sayo.
Tinitigan mo ko, napatawa ako.
Masaya.
Ang tawa, ang tawa..
PANAGINIP lang pala.
Tatawa ako, ngingiti ka.
Tatabihan kita, yayakapin mo ko.
Bubulungan mo ko, ngingiti ako sayo.
Tinitigan mo ko, napatawa ako.
Masaya.
Ang tawa, ang tawa..
PANAGINIP lang pala.
Friday, November 7, 2008
lift me up.
(sigh)
Ang akala ko, tapos na. Ang akala ko, nagawa ko na. Ang akala ko ay hindi pa pala...
Linggo, mga linggo.. akala ko ay sapat na.. isang kabog, isang pitik, isang bugtong ng hininga, hindi pa pala.. Nagdasal ako, nakiusap, humingi ng sanlibong payo, ibinaling sa kawalan ang pagtingin, natakot at kumindat sa tawag ng kaibayuhan..
Hindi pa pala.
Isang saglit, isang mapanuring pagtingin, isang ngiti, isang ako, isang ikaw. Isang malaking pagkakamali. Mali, bakit hindi mo maintindihan na mali? Ikaw ang susubok? Ikaw ang aako? Ikaw ang nasasaktang lalo? Mali..
Nagagawa mo pang magpanggap, ngumiti sa bagay na alam mong mali. Nagagawa mo pang sundan ang bakas na alam mong dapat mo ng lampasan, nagagawa mong lahat? Bakit? Alam mo kung bakit, takot ka lang, takot ka lang dahil ang totoo.. Masaya ka sa pagiging sawi, sa pagiging talunan, ang mali na akala mong masaya.
Kung alam mong walang puwang, walang lugar, walang espasyo, walang dapat asahang paglagyan, alam mo ring mali. Ano ka ba? Tanga? o tanga-tangahan?
Tanga.
Iihip ang hangin, sasabayan ng pagsasayaw ng mga puno, sasabayan ng iyong mabibigat na mga lakad, sasabayan ang kampay ng iyong mga kamay, sabay.. sabay.. sabay ng iyong pagluha.. sabay ng iyong lungkot sa katotohanang, alam mong hindi magkakaroon ng kahulugan kailanman..
Gisingin mo ko, itigil mo ang pagpigil sa akin. Ang sakit ng damdamin ang siyang magtuturo ng daan sa paglimot, 'huwag mong isiping madaya ka', ang payo ng isang kaibigan. Tama nga naman, kung minsan kailangan nating isipin ang sarili. Isipin at damhin na nasasaktan ka na ng sobra.

Subscribe to:
Posts (Atom)