(sigh)
Ang akala ko, tapos na. Ang akala ko, nagawa ko na. Ang akala ko ay hindi pa pala...
Linggo, mga linggo.. akala ko ay sapat na.. isang kabog, isang pitik, isang bugtong ng hininga, hindi pa pala.. Nagdasal ako, nakiusap, humingi ng sanlibong payo, ibinaling sa kawalan ang pagtingin, natakot at kumindat sa tawag ng kaibayuhan..
Hindi pa pala.
Isang saglit, isang mapanuring pagtingin, isang ngiti, isang ako, isang ikaw. Isang malaking pagkakamali. Mali, bakit hindi mo maintindihan na mali? Ikaw ang susubok? Ikaw ang aako? Ikaw ang nasasaktang lalo? Mali..
Nagagawa mo pang magpanggap, ngumiti sa bagay na alam mong mali. Nagagawa mo pang sundan ang bakas na alam mong dapat mo ng lampasan, nagagawa mong lahat? Bakit? Alam mo kung bakit, takot ka lang, takot ka lang dahil ang totoo.. Masaya ka sa pagiging sawi, sa pagiging talunan, ang mali na akala mong masaya.
Kung alam mong walang puwang, walang lugar, walang espasyo, walang dapat asahang paglagyan, alam mo ring mali. Ano ka ba? Tanga? o tanga-tangahan?
Tanga.
Iihip ang hangin, sasabayan ng pagsasayaw ng mga puno, sasabayan ng iyong mabibigat na mga lakad, sasabayan ang kampay ng iyong mga kamay, sabay.. sabay.. sabay ng iyong pagluha.. sabay ng iyong lungkot sa katotohanang, alam mong hindi magkakaroon ng kahulugan kailanman..
Gisingin mo ko, itigil mo ang pagpigil sa akin. Ang sakit ng damdamin ang siyang magtuturo ng daan sa paglimot, 'huwag mong isiping madaya ka', ang payo ng isang kaibigan. Tama nga naman, kung minsan kailangan nating isipin ang sarili. Isipin at damhin na nasasaktan ka na ng sobra.
Friday, November 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment