Ang korni, grabe. Pero teka, bakit nga ba pag napag-uusapan na ang pag-ibig, nanghihina tayo? [ewan ko sa inyo pero ako, nanghihina talaga]
Hindi pa raw ako nai-inlove, yung totoo. Hmm, talaga? teka hihinga lang ako at mag-iisip..
Nag-iisip... Nag-iisip.. Nag-iisip..
Siguro nga hindi pa.
Pero may mga 'crushes' ako. Ang cute ni ganyan, ang cute ni ganito. Pero puro ganun lang, pero teka, parang na-feel ko na nga ata ang 'love', love nga ba?
Nasasaktan ako, ilang beses na akong nasaktan. Love na ba yun? Love na bang matatawag ang masaktan dahil sa pagkagusto mo sa isang tao? Paano nga ba malalaman kung love na yun?
Gusto mo sya, oo. Hanggang dun na nga lang ba? Nasasaktan ka, kasi.. kasi.. Basta! Hindi masaya, pero bakit ganun? Love o selfishness? Nasasaktan ka kasi alam mong hindi masaya, hindi ka masaya, hindi magiging masaya, love na ba yun?
Kung love na nga yun, hindi ako naniniwala. Marahil, masyado lang akong nadala, infatuation? Siguro. At sana.. sana.. Hindi nga ito pag-ibig. Naniniwala pa rin akong, may tunay na pag-ibig. Bata pa ako, hindi pa nga ito pag-ibig. Ayoko. Kasi alam kong may nakatadhana para sa akin, hindi ko pa lang nakikilala o marahil nakilala ko na. Pero hindi pa ito ang tamang panahon. Kaya huwag magpapadala. Ang pag-ibig, yung tunay, kusang dadating. Yun ang alam ko, at patuloy kong paniniwalaan.
Isang.. [bahala na kayo kung anong tawag sa akdang ito, pag-e-emote o kung ano pa man]
Sunday, October 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
haaay pag ibig nga naman... ei don't rush things up... only time can tell whether your truly in love or what... keep smiling... im saul... kapwa blogger mo... hahahah visit mo naman yung blog ko ha
saulkrisna.blogspot.com
hope to hear from you real soon keep on writing
Post a Comment