Iidlip ako,
na sana'y ikaw ang saglit na pagdalaw ng panaginip,
Malulunod ako,
na sana'y ako'y iyong bigyan ng pagsagip,
Pipikit ako,
luluha..
at tutuldukan ang kapirasong ngiti sa aking mga labi.
.
Wednesday, October 29, 2008
Friday, October 24, 2008
roller coaster.
Unang salitang pumasok sa isip ko. ROLLER COASTER.
Hindi pa talaga ako nakakasakay sa roller coaster. Takot kasi ako sa heights at madaling mahilo. Ayokong masuka o kaya madala sa ospital kaya hindi ko sinusubukan.
Masaya kayang sumakay sa roller coaster?
Ang naririnig ko at napapanood ko tungkol sa roller coaster...
Nakakaadik daw?
Ang saya kapag nasa ere ka na.
Mas masaya ang may kasama o katabi.
Ang 5-minute ride ay parang ride of your lifetime dahil sa thrilling sensation.
Exciting ang unang pagsakay sa roller coaster.
Bawal ang infants o mga bata.
Dapat matapang ka at walang takot sa heights.
Humandang masuka pero huwag susuka kasi nakakahiyang masukahan ang mga kasama.
Kumapit maigi at baka mahulog.
Walang atrasan pag nasa ere na.
Mag-enjoy at huwag KJ.
Humandang magka-jetlag o yung tinatawag na hilo pagkatapos.
Hindi laging masaya ang pagsakay dahil yung ibang roller coaster, luma na.
Pwedeng sumigaw kasi part yun.
Relax pagsakay at pagkatapos.
Maging handa sa kung ano mang emergency ang mangyari.
ROLLER COASTER. Parang pag-ibig.

Wednesday, October 22, 2008
Sunday, October 19, 2008
pag-ibig.
Ang korni, grabe. Pero teka, bakit nga ba pag napag-uusapan na ang pag-ibig, nanghihina tayo? [ewan ko sa inyo pero ako, nanghihina talaga]
Hindi pa raw ako nai-inlove, yung totoo. Hmm, talaga? teka hihinga lang ako at mag-iisip..
Nag-iisip... Nag-iisip.. Nag-iisip..
Siguro nga hindi pa.
Pero may mga 'crushes' ako. Ang cute ni ganyan, ang cute ni ganito. Pero puro ganun lang, pero teka, parang na-feel ko na nga ata ang 'love', love nga ba?
Nasasaktan ako, ilang beses na akong nasaktan. Love na ba yun? Love na bang matatawag ang masaktan dahil sa pagkagusto mo sa isang tao? Paano nga ba malalaman kung love na yun?
Gusto mo sya, oo. Hanggang dun na nga lang ba? Nasasaktan ka, kasi.. kasi.. Basta! Hindi masaya, pero bakit ganun? Love o selfishness? Nasasaktan ka kasi alam mong hindi masaya, hindi ka masaya, hindi magiging masaya, love na ba yun?
Kung love na nga yun, hindi ako naniniwala. Marahil, masyado lang akong nadala, infatuation? Siguro. At sana.. sana.. Hindi nga ito pag-ibig. Naniniwala pa rin akong, may tunay na pag-ibig. Bata pa ako, hindi pa nga ito pag-ibig. Ayoko. Kasi alam kong may nakatadhana para sa akin, hindi ko pa lang nakikilala o marahil nakilala ko na. Pero hindi pa ito ang tamang panahon. Kaya huwag magpapadala. Ang pag-ibig, yung tunay, kusang dadating. Yun ang alam ko, at patuloy kong paniniwalaan.
Isang.. [bahala na kayo kung anong tawag sa akdang ito, pag-e-emote o kung ano pa man]

Friday, October 17, 2008
kulay. buwan. bahay.
Walang kaugnayan ang bawat salita sa titulo ng akdang ito. Sila ang mga salitang naisip ko lang, yung tipong mga unang salitang pumasok sa isip mo habang nagiisip ka naman ng magandang titulo.
Tungkol nga ba saan ang akdang ito?
Tapos na ang unang bahagi ng paglipat ko ng lugar. Naging masaya, oo. Naging malungkot, sobra. Ayoko ipaliwanag kung bakit malungkot.. *insert words here*
May mga bagay na labis mong hinahangad. *Sana.. sana..* Ang mga 'sana' mo, at dahil sa mabait ang panahon ay natutupad. Nakakamit mo ang mga bagay na iyong hinahangad. Mga bagay na akala mo magiging masaya ka.. *insert words here*
Tumatawa ako, ngumingiti, ngunit hindi ko alam para saan. Ayoko umasa, ayoko isipin, pilit kong iniwasang paniwalain ang sarili ko na totoo dahil alam kong hindi. Ngunit tao lang ako, hinihila rin ako ng gravity, kaya sana matagal na kong hindi tumawa at humalakhak.
Nalayo ako sa mga kaibigan ko, may mga nagtampo, may mga nasaktan, akala ko kasi matatagpuan ko ang kaligayahan at 'the best' na sinasabi ng karamihan, nagpadala ako sa 'pop culture', nagpadala ako.. *insert words here*
Alam kong ang tao, sa bawat pagkakamali niya ay natututo. Learn from your mistakes. Oo, alam ko yun. Tao lang naman ako, kaya nakakagawa ng kamalian, pero alam ko namang sa bawat mali, sa bawat sugat, kaya kong magbago. Nasaktan ka sa pagkadapa mo, sa pagkahulog mo, at para patunayan at wag na lalo pang madapa, bumangon ka agad. Oo, mahuhulog ka minsan, bahagi iyon ng pagiging tao mo pero dapat bilang tao, matuto rin tayong bumangon at magpatuloy sa paglalakad.. [malalim? *insert words here*]
Takot ako, pero hindi ko inisip na takot ako. Ito kasi ang mundo e, bahagi talaga ito ng kamunduhan ng tao. Minsan, pinili mong maging masaya pero hindi lahat ng pinipili mo happy ending. Huwag kang mag-aakala, huwag kang magpapadala, huwag kang magpadalus-dalos. Iyan ang natutunan ko.
Ngayon, alam kong mahirap pero kailangan at ito lamang ang pinakamadaling paraan. Oo, makasarili pero minsan kailangan mong isipin muna ang sarili bago ang iba. Matuto ka, ito ang mundo, at sa pag-ikot ng mundo ay magpapatuloy ito kaya masanay ka na at matuto sa mga naunang kamalian. Pero huwag titigil, dahil ang pag-ikot ng mundo ay kasabay rin ng pag-ikot ng paghahanap mo ng tunay na kaligayahan, tunay.
*insert words here*

Saturday, October 4, 2008
Sinderela.
Sa dinami-dami ng mga iniisip ko, sa dinami-dami ng nararamdaman ko, ewan ko ba at naisip ko ang titulong 'Sinderela'
Hindi ako panatiko ng fairy tales, kahit nung bata ako hindi ako nahilig dyan. Pero hinahangaan ko sila sa makukulay nilang istorya. Laging may bidang babae, may tagapagligtas na prinsipe at kaaway na wicked witch. Nakakatuwa sila. Paulit-ulit lang kasi ang takbo ng kwento. Maliligtas ang prinsesa mula sa witch at magpapakasal sila ng prinsipe pagkatapos. Happy ending lagi.
Minsan naisip ko, sana fairy tale na lang ang kwento ng Pilipinas. Yung tipong happy ending lahat. Lahat masaya. Lahat kuntento sa bawat wakas nila. Pero hindi, ang dami kasing wicked witch sa paligid. Sana lang, sana lang.
Napag-uusapan rin naman natin ang mga 'endings', e sasabihin ko na.
Matagal na kasi akong nagtataka sa mga posibleng 'endings' ng lahat ng bagay. Kung masaya ba o malungkot. Hindi rin ako naniniwala na kapag sinabing 'ending' ay katapusan na. Believer pa rin ako ng "Endings are just beginnings" -- Ang cute isipin no?
Sana nga may happy ending bawat kwento, bawat istorya, at may masayang sagot sa bawat tanong. Pero hindi fairy tale ang buhay na dapat umasa na lang sa prince charming, kalye ito na dapat daanan, gaano man kahaba o kalayo ang goal mo dapat magpatuloy ka kahit ano man ang makasalubong mo sa daan, wicked witch man yun o malaking ipo-ipo.
Sa lipunan ng Pilipinas, sa buhay ng tao, lahat ito magkakaugnay. Isipin mo, pareho nating hangad ito.

Friday, October 3, 2008
..TikTak
Ako ay kasalukuyang nasa silid-aklatan ng unibersidad.
Naisip ko napakahalaga ng oras. Oras na sinasayang, oras na binibilang, oras na iniintay... Uupo ako sa silid-aklatan ngayon, sa tabi ng electric fan pagkatapos, isusulat ko ito.
Babalikan ko ang nakaraan, noong nagsimula ang pagbibilang ko ng oras. TikTak..TikTak.. isa, dalawa, tatlo, sabi ko takbo! Unahan mo at wag kang magpapatalo. TikTak..TikTak..
Oras raw ang gamot sa lahat ng karamdaman, pero paano kapag nasayang ang oras mo? Paano kapag naubusan ka ng oras? Paano? Paano na? Ang narinig ko, oras pa rin daw ang sagot.
Hindi ko alam kung maniniwala ako. Nakaranas na ko magsayang ng oras, maubusan ng oras pero hindi ko pinapansin kung nasosolusyunan ba ang mga problema ko. Time Heals?? 'eww!' sabi ko.
Ang dami kong kaibigan, nasubukan na rin nilang magsayang at maubusan ng oras. Tinanong ko sila, OO daw. Hindi ko maintindihan para saan ang 'OO' nila. Ang labo kasi, siguro hindi ko pa lang maintindihan.
Namroblema ako sa oras, sobra na kasi at nasasayang na. Sabi ng mga kaibigan ko, 'oo' daw. Ayun nanaman ang 'OO' nila. Time is Gold?? Ano daw? Ano ito elementary slum book? Pero 'oo' daw. Kaya umu-oo na lang din ako.
Wala na ba akong oras? Dapat bang humabol? Magpa-late? Gusto ko ng malaman ang gagawin ko. Pero sabi nila, huwag akong magmadali. Maglalakad lang ako at hahayaan ang panahon. Hindi ako tatakbo dahil mapapagod lang ako. Kung may nasayang man akong oras, hindi ako nagsisisi. Ang bawat minuto ko, sinigurado kong naging masaya ako. Tatapusin ko ang Timer, pero hindi ang stop watch. Matatapos ito pero hindi magwawakas.
The End.

Subscribe to:
Posts (Atom)